IKINATUWA | DOH, pinapurihan ang pagkakapasa ng UHC bill

Manila, Philippines – Pinapurihan ng Department of Health (DOH) ang pagkakapasa ng Universal Health Care Bill sa Bicameral Conference Committee.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, malaking reporma sa healthcare system ng Pilipinas ang progresong ito.

Sa ilalim ng Universal Health Care System, katuwang ang PhilHealth, magkakaroon na ng access ang lahat ng Pilipino sa kalidad at murang healthcare services sa bansa.


Ang pondo na ilalaan para sa programang ito, ay magmumula sa buwis ng mga sin products tulad ng sigarilyo at alak.

Facebook Comments