IGINIIT | Pakikipagkaibigan sa US, China hindi dapat masamain – Speaker Arroyo

Manila, Philippines – Walang nakikitang masama si House Speaker Gloria Arroyo sa pakikipagkaibigan ng Pilipinas sa US at China.

Ito ay kahit pa may tensyon na namamagitan sa Amerika at China na parehong kinakaibigan ng Pilipinas.

Ayon kay Arroyo, walang conflict sa pakikipagmabutihan sa dalawang bansa na itinuturing na importanteng mga kaibigan.


Hindi anya nangangahulugan na maling makipagkaibigan sa US kung ang Pilipinas ay may maayos na relasyon sa China.

Paliwanag nito, kapwa mahalaga ang China at ang Estados Unidos sa rehiyon at sa buong mundo.

Dahil dito, sinabi ni Speaker GMA na ang pakikipagkaibigan ng China at US sa bansa ay napakahalaga.

Facebook Comments