IKINATUWA | Grupong Every Woman, ikinagalak ang international award ni Sen. Leila De Lima

Manila, Philippines – Tinawag na ironic o kabalintuaan ng grupong Every Woman ang ginawang pagbasa ng sakdal ng Muntinlupa Regional Trial Court kay Senador Leila Delima habang ginawaran naman ito ng award sa 2018 Prize for Freedom Award ng Liberal International.

Sa isang statement,sinabi ng grupo na kabaligtaran ang nangyayari dahil habang pinagmumukhang queen of drug lords umano dito sa bansa si De Lima, malaki naman umano ang pagrespeto sa senador ng pandaigdigang komunidad.

Umaasa ang Every Woman na manatiling matatag ang senadora upang maipagpatuloy ang kaniyang kampanya sa karapatan ng kababaihan.


Ayon pa sa grupo ang pagkilala ng international liberal ay makapagtutulak sa kampanya sa agarang pagpapalaya kay De Lima.

Si De Lima ay nakadetine sa Philippine National Police Custodial Center dahil sa pagkakasangkot niya sa paglaganap ng illegal drugs sa New Bilibid Prison noong siya ay DOJ Secretary.

Facebook Comments