IKINATUWA | Hatol na guilty sa mga pulis na sangkot sa Kian slay, good news para sa grupong Bayan

Manila, Philippines – Labis na ikinatuwa ng Bagong Alyansang Makabayan ang hatol na guilty sa mga pulis na pumatay sa senior high school student na si Kian Delos Santos.

Matatandaang sa naging hatol ng korte hindi pinayagang makapagpyansa sina P03 Arnel Oares, PO1 Jeremias Pereda at PO1 Jerwin Cruz na nahatulang guilty sa kasong murder.

Ayon sa Bayan ang hatol ay mahalagang pansalag sa impunity na namamayani sa bansa ngayon.


Umaasa ang bayan na maging babala ito sa lahat ng mga gumagawa ng Extra Judicial Killings o EJK, na hindi sa lahat ng panahon ay mamayani ang kawalang pananagutan.

Giit ng grupo mas mainam sana kung pati sa planting of evidence ay nahatulan din ang 3 pulis na guilty.

Matatandaan noong August 16, 2017 napatay si Kian ng mga pulis Caloocan at naging kontrobersyal ang pagkamatay nito dahil kita sa CCTV na hindi nanlaban ang biktima pero ito ay binaril pa rin ng pulis hindi rin kabilang si Kian sa drugs watchlist ng barangay.

Facebook Comments