RE-ASSIGNED | Atty. Lizada inilipat sa CSC ni PRRD

Manila, Philippines – Inilipat ni Pangulong Rodrigo Duterte si LTFRB Board member Atty. Aileen Lizada sa Civil Service Commission (CSC) bilang Commissioner at may terminong tatagal hanggang 2025 kapalit ni Robert Martinez.

Ang appointment paper ay nilagdaan ni Pangulong Duterte noong November 27.

Matatandaan na hindi nagkakasundo ng opinyon sina Lizada at LTFRB Chairman Martin Delgra sa maraming issue sa LTFRB.


Itinalaga din naman ni Pangulong Duterte bilang Undersecretary sa Department of Agriculture (DA) ang bayaw ni Davao City Mayor Sara Duterte na kapatid ng asawa nitong si Atty. Mans Carpio na si Waldo Reyes Carpio.

Nagtalaga din naman ang Pangulo ng mga personalidad sa ibat-ibang tanggapan ng pamahalaan kabilang na si Teresita Cruz Daza bilang ambassador ng Pilipinas sa Republic of Chile na sasakop din sa Ecuador at Peru.

Facebook Comments