IKINATUWA | Kasong graft laban sa mga dating opisyal ng DOTC dahil sa MRT maintenance contract, Welcome sa Malacañang

Manila, Philippines – Welcome sa Palasyo ng Malacañang ang desisyon ng Ombudsman na pakasuhan ng kasong graft si dating Transportation Secretary Jun Abaya at iba pa kaugnay sa MRT Maintenance Contract na umanoy naging dahilan ng palpak na serbisyo ng MRT nitong mga nakalipas na taon.

Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, panahon na ito para magkaroon ng pananagutan ang mga dating opisyal ng Pamahalaan na nakinabang sa pondo ng MRT.

Sinabi pa ni Roque na kung hindi pa nakasuhan ang mga ito ay talagang isa-isa nilang ilalabas ang mga dokumento na kanilang kuha patungkol sa Maintenance contract ng MRT.


Pero dahil nakapag desisyon na ang Ombudsman ay hahayaan nalang nilang umandar ang kasong ito sa Sandiganbayan.

Facebook Comments