Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Palasyo ng Malacañang ang resulta ng first quarter survey ng Social Weather Station o SWS, kaugnay sa self-rated poverty kung saan lumalabas na bumaba ang bilang ng mga Pilipinong itinuturing ang kanilang sarili na mahirap.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, patunay ito na nagbubunga na ang pagsisikap ng Administrasyong Duterte na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino.
Batay sa survey ng SWS na ginawa noong Marso ng taong ito, ay nasa 42% nalang ng ating mga kababayan ang nagsasabi na sila ay mahirap mula sa 44% noong nakaraang taon.
Binigyang diin ni Roque na dahil sa resultang ito ay lalo pang paghuhusayan ng administrasyon ang mga programa na makatutulong sa mga Pilipino tulad ng social protection programs, health care programs, at conditional cash transfer programs.