Manila, Philippines – Welcome sa Malacañang ang desisyon ng U.S. Department of Defense na ibalik na sa Pilipinas ang Balangiga bells.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, inabisuhan na ang palasyo ng Amerika kaugnay sa naturang hakbang.
Aniya, patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa gobyerno ng Amerika para maibalik sa Pilipinas ang Bangaliga bells.
Gayunman, Wala Pang Inanunsyong Petsa Kung Kailan Ibabalik Ang Balangiga bells.
Una nang umapela si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na ibalik ang Balangiga bells sa Pilipinas na ginawang tropeyo ng mga Amerikano noong American occupation sa bansa.
Facebook Comments