Manila, Philippines – Ikinatuwa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabati ng North at South Korea.
Sa kanyang arrival speech sa Davao City, sinabi ng Pangulo na naging idolo na niya sa North Korean leader Kim Jong-un dahil mula sa tila pagiging ‘Bad Boy’ ay naging bayani ito sa lahat.
Dagdag pa ng Pangulo, kapag nagkita sila ni Kim ay personal niya itong babatiin.
Naniniwala si Duterte na dahil dito ay bumaba na ang tensyon sa Korean peninsula at maaring hindi na mauwi sa walang saysay na digmaan.
Facebook Comments