“OKAY LANG” | Pagbuwag sa Comfort Women Statue sa Maynila, okay lang kay Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Bukas para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbuwag sa itinayong Comfort Women Statue sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay Duterte, makakapagdulot lamang ito ng sira sa gumagandang relasyon ng Pilipinas at Japan.

Pero nilinaw ng punong ehekutibo na maari naman itong ilipat sa ibang lugar.


Malinaw lamang aniya na mayroon tayong demokrasya at kalayaang magpahayag.

Ngunit iginiit ng Pangulo na walang polisiya ng gobyerno na i-‘antagonize’ ang ibang bansa.

Facebook Comments