Manila, Philippines – Pinuri ni Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda ang paglalabas ng Commission on Higher Education o CHED ng Implementing Rules and Regulations o IRR para sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act of 2017.
Ayon kay Legarda, ang implementasyon ng nabanggit na batas ay magsisimula sa Academic Year 2018-2019.
Sa ilalim aniya ng 2018 General Appropriations Act ay P40 Billion ang pondo inilaan ng kongreso para sa implementasyon nito.
Ayon kay Legarda, dahil sa Free College Education Law ay libre na ang matrikula at iba pang bayarin ng mga mag-aaral sa Local at State Universities And Colleges, at mga state-run Technical Vocational Institutions.
Kaugnay nito ay pinapatiyak ni Legarda sa CHED at SUCs na sapat para sa pagpapatuloy ng Free College Education Law ang ipapanukala nitong pondo para sa taong 2019.