Detachment ng Army sa Maguindanao hinarass ng BIFF

31

Isang detachment ng 57th Infantry Battalion ang hinarass ng Bangsamoro Islamc Freedon Fighter kahapon 4:40 ng hapon sa barangay Pagatin 1 Shariff Saydona Mustapha municipality. Ayon sa report, pinangunahan ni Commander Kagui Katatang alyas Boy native ang harassment sa Alpha company ng 57th IB, na nagpakawala ng ilang rounds ng launcher sa posisyon ng army.Mabilis namang gumanti ang tropa ng alpha company sa mga rebelled at tumagal ng labing limang minute ang bakbakan, na nagdulot ng takot sa mga nakatira sa naturang barangay. Wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa panig ng kasundaluhan habang hindi rin matiyak kung meron bang nasawi sa mga umatakang BIFF.

Facebook Comments