Matapos ianunsyo ng United Arab Emirates (UAE) na pinalawig pa nila ang kanilang amnesty program.
Ikinagalak naman ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang nasabing magandang balita.
Matatandaang itinakda ng UAE Government noong October 31 ang pagtatapos ng programa pero ito ay pinalawig pa nang hanggang December 1.
Ayon sa DFA dahil sa nasabing extension mas maraming undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) pa ang mapapauwi sa bansa.
Dahil sa oras na ito ay matapos, uumpisahan na ang crackdown kung saan maaaring pagmultahin at makulong ang mga undocumented workers.
Sa kabuuan nakapagpauwi na ang DFA ng kabuuang 2,153 undocumented Filipinos magmula noong ipatupad ang programa noong August.
Sinagot na ng ahensya ang penalties at exit fines maging ang airline tickets ng mga OFWs na nag-avail ng programa.
Kasunod nito hinihikayat pa ng DFA ang mga undocumented OFWs na samantalahin ang nasabing amnesty extension.