TODO IWAS | Maja Salvador, nagpaliwanag sa mga kumakalat na pictures nila ni John Lloyd Cruz

191

Manila, Philippines – Todo iwas sa mga tanong ng entertainment press ang aktres na si Maja Salvador sa napabalitang pagkikita nila ni John Lloyd Cruz.

Nabatid kasi na kumakalat ang pictures ng dalawa sa social media pero say ni Maja, wala daw itong kinalaman sa kanilang trabaho bilang mga artista.

Hindi naman gaanong sinagot ni Maja ang mga tanong kung bahagi ba ng pagkikita nila ang posibilidad ng paggawa ng pelikula o kaya ang muling pagbabalik sa showibz ni John Lloyd.

Facebook Comments