Manila, Philippines – Ikinatuwa ng Commission on Election o Comelec na naging maayos at mapayapa ang unang araw ng filling ng Certificate of Candidacy o COC ng mga tatakbo sa 2019 election.
Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, wala silang natanggap na anumang karahasan o kaguluhan kasabay ng COC filling sa buong bansa.
Sabi naman ni Jimenez, sa Comelec headquarters sa Intramuros ay walang naitalang malaking problema maliban sa kalituhan sa paggamit ng lumang kopya ng COC.
Ito aniya ang naging dahilan kung bakit hindi agad tinanggap ang aplikasyon ng ilan sa mga nagnanais na maging senador.
Facebook Comments