IKINOKUNSIDERA | Hybrid election system, isinulong para sa 2022 Presidential elections

Manila, Philippines – Seryosong ikinokunsidera ng Joint Congressional Oversight Committee on the Automated Election System ang pagrekomenda ng isang hybrid election system para sa 2022 national elections.

Ito ang inihayag ni Senador Koko Pimentel na syang co-Chairman ng congressional oversight panel, matapos ang pagdinig ukol sa mga alegasyon ng iregularidad noong 2016 national at local elections.

Ipinaliwanag ni Pimentel na sa hybrid system ay manu-manong gagawin ang bilangan sa mga presinto pero automated na ang magiging paraan ng pag-transmit nito at canvassing.


Diin ni Pimentel, ito ang sistema na titiyak sa pagkakaroon ng check and balance sa resulta ng presidential elections sa 2022.

Ayon kay Pimentel, hindi na ito kakayaning maipatupad sa darating na 2019 midterm elections dahil nabili na ng COMELEC ang makinang gagamitin.

Facebook Comments