PINAGHAHANAP | Bagitong pulis na umano ay lider ng kidnap for ransom group, target sa manhunt operation ng PNP

Pinaghahanap ngayon ng Philippine National Police ang isang bagitong pulis na lider umano ng isang kidnap for ransom group

Ito ay matapos na mag sumbong ang isang lola na dinukot umano sya ng grupo ni PO1 Michael Siervo noong July 29, 2018.

Batay sa pahayag ng biktimang si Bonifacia Pascual-Arcita, 69 na taong gulang sa PNP anti kidnapping group, limang lalaki ang dumukot umano sa kanya at dinala ito sa isang safe house na nasa purok kuwatro, Brgy. Trangka, Bai, Laguna


Ngunit agad pinalaya ang lola nang matunugang batid na ng mga awtoridad ang ginawang pagdukot kay lola Bonifacia

Lumabas sa follow up operations ng pulisya na pagmamay-ari pala ni PO1 siervo ang pinagdalhang safe house kay lola Bonifacia kung saan, nakuha ang iba’t ibang armas at uniporme ng bagitong pulis.

Facebook Comments