Manila, Philippines – Inilikas na sa *Lungsod ng Marikina* ang higit 20,000 mga residente dahil sa pagtaas ng tubig sa Marikina River dahil sa patuloy na ulang hatid ng hanging habagat.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro – mas mabilis ang pagtaas ang pagtaas ng tubig sa ilog na umabot sa higit 20 metro.
Pinangangambahang ito tumaas kapag hindi pa tumigil ang pag-uulan.
Inihalintulad ng Alkalde ang nararanasang pag-ulan at pagbaha tulad noong hagupit ng Bagyong Ondoy.
Nananatili ang mga nagsilikas na Marikeño sa walong evacuation centers.
———————————
*Sa Malabon…* sinabi ni Mayor Antolin Oreta na aabot sa 400 residente ang lumikas sa barangay dampalit na lumubog sa baha pero unti-unti nang humuhupa ang baha sa ilang lugar.
——————————–
*Sa Quezon City*, naniniwala si Mayor Herbert Bautista – ang konstruksyon ng ilang proyekto ng national government sa lungsod ay nakakaapekto sa naranasang pagbaha sa lungsod.
——————————–
*Sa Navotas…*ayon kay Mayor John Rey Tiangco – ilang bahay ang nasira matapos hampasin ng alon.
Inilikas na aniya ang mga residente sa mga evacuation centers.
Mabilis tumaas ang baha sa navotas dahil sinabayan ng high tide ang malalakas na pag-ulan.
——————————
*Sa Caloocan Naman*, sabi ni Mayor Oscar Malapitan – tatlong barangay ang binabantayan sa posibleng pagbaha.
ani malapitan, malapit sa Tullahan river ang mga barangay kaya palilikasin na ang mga residenteng nakatira roon.
———————————
*Sa Pasig*, nagsagawa naman ng pre-emptive evacuation sa apat na barangay sa lungsod na dinadaanan ng Marikina River.
Nakahanda na ang mga supply ng pagkain para sa mga evacuees.
———————————
*Sa Lungsod ng Maynila*, higit 50 pamilya ang inilikas mula sa Parola at Baseco compound.
———————————
*Sa Mandaluyong*, binabantayan ang barangay daang-bakal dahil sa pag-apaw ng San Juan River.
Ang San Juan River ay nagsisilbing catchbasin ng baha mula Quezon City at Marikina River.