ITINIGIL MUNA | Valve installation activity sa bahagi ng Commonwealth Ave sa QC, ipinagpaliban muna ng pamunuan ng MRT-7

17

Manila, Philippines – Ipinagpaliban ng pamunuan ng MRT-7 ang valve installation activity sa bahagi ng Commonwealth Avenue – Philcoa dahil sa masamang panahon dulot ng hanging habagat.

Sa abiso ng MRT-7 traffic management task force, itutuloy na lamang installation works sa Agosto 18.

Nag-anunsyo naman ng pamunuan ng Philippine National Railways, na pansamantala munang isinara ang linya ng tren mula Tutuban hanggang alabang dahil nalubog sa baha ang ilang bahagi ng riles.

Inatasan naman ni Light Rail Transit Authority (LRTA) Administrator Reynaldo Berroya, ang lahat ng station personnel na i-accommodate ang mga na-stranded na pasahero sa LRT line 2.

Facebook Comments