Ilagan City Mayor Jay Diaz, Nanumpa na!

*Ilagan **City, **Isabela- *Nanumpa na ngayong araw ang mga nanalong opisyal ng Lungsod ng Ilagan sa pangunguna ng nagbabalik na punong lungsod na si Dr. Jose Marie L. Diaz kasabay ng pagbaba sa pwesto ng kanyang asawa na si Mayor Evelyn Diaz.

Nangako si Dr. Jay Diaz na hindi umano niya pababayaan ang kapwa niya Ilagueños maging ang ilang mga kababayan niyang hindi naniwala sa kanya sa kanyang muling pagtakbo sa nakalipas na eleksyon.

Samantala, pinasalamatan naman nito ang kanyang maybahay na si Mayor “Mudz” na humalili sa kanya sa loob ng tatlong taon.


Aniya, lubos siyang nagagalak sa ginawang performance ng kanyang maybahay bilang punong lungsod dahil mas lumago at nakilala pa ang Lungsod hindi lang sa ating bansa kundi maging sa ibang mga bansa.

Magugunita na nitong mga nakalipas at kasalukuyang taon ay ginaganap sa Lungsod ng Ilagan ang mga International Sports Events na dinadaluhan ng mga ASEAN countries.

Ang nasabing oath taking ng mga opisyal ay pinangunahan naman nila Gov. Faustino Bojie Dy III na siyang magiging Vice Governor at si Vice Governor Tonypet Albano na siya namang uupo bilang kinatawan ng unang distrito ng Isabela matapos na manalo ang kanyang kuya bilang Gobernador ng Lalawigan.

Facebook Comments