ILAGAN CITY POLICE STATION, PINANGUNAHAN ANG KKDAT CITY SUMMIT

Cauayan City, Isabela-Sinimulan na ngayong araw, March 24, 2022 ang aktibidad na Kabataan Kontra Droga at Terorismo o KKDAT sa City of Ilagan Community Center.

Mismong si PLTCOL. Benjamin Balais, Chief of Police ng PNP Ilagan ang nanguna sa naturang aktibidad.

Dinaluhan ng ilang kabataan mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang KKDAT Summit.

Ayon naman kay PLTCOL. Pepito Mendoza Jr., ang Deputy Provincial Director for Operations, layunin ng programa na ituro sa mga kabataan ang tungkol sa masamang epekto ng illegal na droga at hikayatin ang mga kabataan na tugunan ang mahalaga nilang gampanin para sa buong bansa.

Inihayag naman ni PLT. Rhegie Bulan, ang Chief ng Community Affairs Development na nais nilang palakasin at patatagin ang relasyon ng hanay ng kapulisan at kabataan.

Facebook Comments