Manila, Philippines – Ilalabas na ng DOJ ang desisyon nito kung may sapat bang basehan o wala para maisampa sa korte ang reklamo laban Mayor Melandres de Sagun ng Trece Martires, Cavite.
Kaugnay ito ng kaso ng pagpatay kay Vice Mayor Alexander Lubigan.
Binigyan ng DOJ ng 15 araw ang kampo ni Mayor de Sagun at iba pang respondents para magsumite ng kani-kanilang memorandum o written affidavit na summary ng kanilang mga inihaing testimonya at mga ebidensya.
Pagkalagpas ng 15 araw, ay desesisyunan na ng DOJ ang reklamong kung may sapat na basehan para iakyat sa kasong murder at frustrated murder laban kay de Sagun
Sa isinumiteng rejoinder affidavit ni Mayor de Sagun, iginiit nitong hearsay lang ang pahayag ng testigo laban sa kanya kaya hindi ito maaaring bigyan ng bigat ng korte.
Batay aniya kasi sa isang desisyon ng Korte Suprema noong 2016, dapat nakita mismo ng testigo ang suspek na ginagawa ang krimen o paalis sa crime scene.
Hulyo nitong taon nang pagbabarilin si Vice Mayor Lubigan na ikinamatay nito at ng kanyang driver habang sugatan naman ang isang bodyguard nito.