Ilalabas na ngayong Linggo ang resulta ng imbestigasyon kaugnay ng nangyaring “Misencounter” sa Samar na ikinasawi ng anim na pulis at ikinasugat ng siyam na iba pa.
Ayon kay PRO-8 Spokesperson P/ Supt. Gerrado Avengoza – anumang araw ngayong Linggo, ilalabas ng Board of Inquiry ang resulta ng imbestigasyon.
Bukas ay magkakaroon ng deliberasyon ang boi ng PNP at AFP hinggil dito.
Sa ngayon, nasa proseso pa ng pagtukoy ang BOI ng AFP kung kaninong pagnig nagmula ang posibleng paglabag sa Standard Operating Procedure (SOP).
Una nang sinabi ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde na nagkaroon ng problema sa “Level Coordination” na nagresulta ng misencounter.
Facebook Comments