Manila, Philippines- Posibleng maglabas ang Dept. of Labor and Employment (DOLE) sa susunod na Linggo ng halaga ng umento sa sahod sa mga manggagawa.
Ayon kay Labor Usec. Jing Paras – Maaring i-anunsyo ito sa unang linggo ng Hunyo base na rin sa naging resulta ng rekomendasyon ng regional tripartite wages board.
Dito aniya malalaman kung magkano talaga ang pangangailangan ng mga manggagawa kung itataas ang kanilang sahod.
Kasabay nito, isinusulong ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) ang 750 pesos na minimum wage sa Kamara habang nais naman ng Associate Labor Unions – Trade Union Congress of the Philippines (ALU-TUCP) ang 320 pesos minumum wage.
Facebook Comments