Friday, March 6, 2026

Ilan nating kababayan, hindi sang-ayon sa survey na mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang tungkulin ng mga babae na alagaan ang pamilya at ang kanilang tahanan

Hindi sang-ayon ang ilan nating mga kababayan sa lumabas sa survey na ang mayorya ng mga Pilipino ang naniniwalang tungkulin ng mga babae na alagaan ang pamilya at ang kanilang tahanan.

Sa 4th Quarter 2025 survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas ngayong Marso 2026, 83 percent ang sang-ayon na trabaho ng babae ang mag-alaga ng pamilya, 8 percent ang hindi sumang-ayon at 9 percent ang undecided.

Pero sa panayam ng DZXL News sa ating mga kababayan, karamihan sa kanila ang nagsabing hindi lang ang pag-aalaga sa pamilya at tahanan ang papel ng mga kababaihan.

Sinabi ni Elma Pacsal na hindi raw sapat ang kita ng kanyang mister ay kailangan niyang umekstra.

Pero aminado naman itong dapat ay mas marami siyang oras sa kanilang bahay para maalagaan ang kanilang mga anak.

Para rin kay Den Albuvuera, maging ang kanyang asawa ay tumutulong sa trabaho hindi lamang sa gawaing bahay dahil na rin sa hirap ng buhay.

Facebook Comments