Ilan pang framers ng 1987 Constitution, tutol sa pag-amyenda ng economic provisions

Iginiit ng isa pa sa framers ng 1987 Constitution na hindi natin kailangan ng pag-amyenda sa economic provisions lalo na ang patungkol sa media, advertising, education at foreign ownership ng mga lupain.

Sa pagdinig ng subcommittee para sa Charter change, sinabi ni Dr. Bernardo Villegas, Chairperson ng 1986 Constitutional Commission-Committee on National Economy and Patrimony na mas kailangan ngayon ay mag-focus ang gobyerno sa 21% ng populasyon sa bansa na namumuhay sa hindi makataong kahirapan.

Malaking scandal aniya ito dahil lahat ng mga kapitbahay na bansa sa Southeast Asia ay mayroon lamang single-digit na poverty incidents.


Samantala, pabor naman ang ekonomistang si Raul Fabella na luwagan ang economic restrictions ng Saligang Batas.

Tinukoy ni Fabella ang pagkakaroon ng bansa ng ‘anti-investment culture’ na makikita sa mababang investment rate sa bansa noong 2022 na nasa 22.4 percent lang ng GDP at hirap tayong maabot kahit ang 25 percent ng investment rate.

Ilan sa mga dahilan kung bakit hindi maabot ang target na investment rate ay dahil isinara natin ang maraming economic sector sa pamumuhunan na karamihan ay mga local at foreign investment.

Facebook Comments