Ilan pang kalsada, isinara dahil sa patuloy na pag-ulan ayon sa DPWH

Umaabot na sa 13 kalsada ang pansamantalang isinara dahil sa patuloy na pag-uulan bunsod ng habagat.

Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), isinara sa trapiko ang ilang kalsada sa National Capital Region (NCR) dahil sa nararanasang pagbaha.

Partikular na saradong kalsada ay sa:


-G. Araneta Avenue kanto ng Maria Clara at Sto. Domingo Avenue kanto ng Calamba Street sa Quezon City;

-Mel Lopez Blvd., kanto ng Moriones Street at kanto ng C-2 Road sa Manila;

-Mac Arthur Highway, Pio Valenzuela Street hanggang Elysian Street sa Valenzuela City;

-kabilang din ang Don Basilio Bautista Street, C. Arellano Street, M.H. del Pilar Street , Yanga Street hanggang San Vicente Village, kanto ng E. Rodriguez Street at Buenaventura Street sa Arkong Bato sa Malabon – Navotas area.

Una ring iniulat ng DPWH Bureau of Maintenance na tatlong kalsada sa Cordillera Administrative Region ang isinara partikular ang Busa Bridge sa Baguio-Bontoc Road sa Sabangan, Mt. Province dahil sa nasirang tulay; Abra – Kalinga Road sa Gacab, Malibcong, Abra at Manila North Road sa Brgy. Pancian, Pagudpud, Ilocos Norte dahil sa nag-collapse na lupa at mga bato

Sarado pa rin ang Junction Layac Balanga Mariveles Port Road Zigzag Section sa Bataan dahil sa nag-collapse na solid wheelguard, gayundin ang Manila-Cavite Road sa Cavite bunsod ng pagbaha at ang Mindoro West Coastal Road sa Pag-asa Section sa Sablayan, Occidental Mindoro dahil sa nasirang imburnal.

Bunsod na rin ng patuloy na pag-ulan dulot ng habagat, hindi na rin madaanan o hirap na makadaan ang mga light vehicles sa mga binahang kalsada tulad ng G. Lazaro Street sa McArthur Highway sa Valenzuela City; Apalit Macabebe Masantol Road sa Pampanga; Bigaa Plaridel via Bulacan at Malolos sa Bulacan at Cavite – Batangas Road.

Facebook Comments