Ilan Pang Kongresista, Nakatakdang Lumipat Sa Pdp-Laban Na Partido Ni Duterte

18

MANILA – Ilang kongresista pa ang nakatakdang iwan ang kanilang partido at mag-ober da bakod sa partido ni President-Elect Rodrigo Duterte.Sinabi ni Davao del Norte Cong. Pantaleon Alvarez na inaasahan nila na halos 100 kongresista ang lilipat sa PDP-Laban bago magsimula ang sesyon ng 17thcongress sa Hunyo.Karamihan anya sa mga kongresista na lilipat ay mga miyembro ng Liberal Party kabilang ang ilang kilalang politiko na muling nahalal noong nakaraang halalan.Ayon pa kay Alvarez, normal lamang sa mga politiko na magpalit ng kulay at umanib sa ibang partido tuwing mayroong papasok na bagong administrasyon para makatiyak ng pondo sa kanilang mga proyekto.Inaasahan din anya na mas marami pang kongresista ang lilipat sa PDP-Laban sa mga susunod na araw.

Facebook Comments