Kinumpirma ng Department of Health (DOH) na nagkakaroon na rin ng mga kasong COVID-19 sa iba pang mga lugar sa Visayas.
Kabilang sa itinuturing ng DOH na emerging hotspots ang Cebu City, Cebu Province, Ormoc City, Southern Leyte, Leyte at Samar.
Sa kabila nito, tiniyak naman ng DOH na kaya ng health system ng bansa na i-handle ang mga bagong kaso ng sakit.
Tiniyak din ng DOH na pinalawak pa nila ang testing capacity sa Cebu dahil sa paglobo ng COVID cases doon.
Sa kabilang dako, iniulat din ng DOH na bumaba na ang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila at gradual na lamang o hindi biglaan ang pagtaas ng mga kaso.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, simula noong June 23, 2020, ang fatality rate o bilang ng mga namamatay sa virus sa bansa ay naitala na lamang sa 3.73%, kumpara sa ASEAN rate na 2.94% at sa global rate na 5.22%.
Gayunman, nagbabala ang DOH na inaasahan na nila ang posibleng pagtaas ng mga bagong kaso sa mga susunod na araw matapos na luwagan ang restriction sa mga komunidad kabilang na ang pagbubukas ng mga negosyo.
Sa kabila nito, tiniyak ng kagawaran na nakahanda sila dito.