Ilan pang medical entities, ini-imbestigahan na rin ng NBI kaugnay ng ghost dialysis scandal

125

Kinumpirma  ng NBI na bukod sa Wellmed Dialysis Center, ini-imbestigahan na rin nila ang iba pang medical entities kaugnay ng ghost dialysis scandal.

 

Ayon sa NBI-Anti-Graft Division,  may mga pinag-aaralan na rin silang iba pang mga kumpanya na nakakubra ng pondo mula sa Philhealth tulad ng naging modus operandi ng Wellmed.


 

Iginiit din ni NBI Spokesman Atty. Ferdinand Lavin na nagkakasa na rin sila ng mga kasong isasampa laban sa mga opisyal  ng Philhealth na nakipagsabwatan sa Wellmed.

 

Nanawagan din ang NBI sa publiko na agad na makipag-ugnayan sa kanila hinggil sa mga kaduda dudang transaksyon na hindi paborable sa gobyerno.

 

Tiniyak naman ng kampo ng whistleblowers sa pamamagitan ni Atty Cris Jandusay na ina-ayos na nila ang mga dokumento para sa aplikasyon sa Witness Protection Program nina Liezel Aileen De Leon at Edwin Roberto.

Facebook Comments

From Advertisers