Out-going City Mayor Belen Fernandez pinangunahan ang pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan sa Lungsod ng Dagupan

9

Dagupan City – Pinangunahan ni Out-going Dagupan City Mayor Belen Fernandez ang pag-aalay ng bulaklak sa munumento ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Pagkatapos nito ay dumalo si Fernandez sa programang inihanda ng DepEd Dagupan sa West Central Elemntary School para sa ika-121 Araw ng Kalayaan.

Sa talumpati ng out-going mayor pinagmalaki nito kalayaang natamo ng lungsod sa ilalim ng kanyang administrasyon. Ilan dito ay ang pagiging malaya ng lungsod sa utang, malaya sa gobyerno na hitik sa pagnanakaw at panloloko dala ng katiwalian at malawakang panunuhol, at malaya sa kaguluhan. Iiwan umano nito ang tungkulin na may ipagmamalaking nakagawa para sa maunlad na lungsod ng Dagupan.

Samantala dinaluhan din ng mga kapulisan, miyembro ng knight columbus, school heads, at mga estudyante ang nasabing selebrasyon.

Photo by Philippine Information Agency Pangasinan

Facebook Comments

From Advertisers