Ilan pang opisyal ng gobyerno, sisibakin ni Pangulong Duterte sa susunod na linggo

Pres. Rodrigo Duterte delivers his arrival message at the Davao International Airport on Dec 17, 2016 after his state visits to Cambodia and Singapore. Photo by Manman Dejeto/Rappler

Mas marami pang opisyal ng gobyerno ang nanganganib na masibak ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Sa kanyang talumpati sa Iloilo City kagabi, sinabi ng pangulo na posibleng ngayong araw, simulan na niya ang pagsibak sa ilang opisyal na sangkot aniya sa korapsyon.

 

Aniya, kabilang sa sisibakin niya ay opisyal na may “ability to convert”.


 

Para sa pangulo, matatawag nang korapsyon ang ginagawang pagpapabalik-balik sa pagpo-proseso ng mga dokumento.

 

 

Kaugnay nito, hinikayat ni Pangulong Duterte ang sinumang biktima ng korapsyon sa pamahalaan na magsumbong sa Malacañang at kanya raw itong aaksyunan.

 

Facebook Comments