Nasa likod ng viral video na nag-uugnay kay Pulong Duterte sa illegal drug trade, pinalalantad ni VP Leni Robredo

Hinimok ni Vice President Leni Robredo na lumantad ang nasa likod ng magkakasunod viral video na nag-uugnay sa pamilya Duterte sa iligal na droga.

 

Ayon kay Robredo, mahirap maniwala sa mga kumakalat na video dahil walang tamang basehan kung totoo ito o hindi.

 

Dapat aniyang dumaan sa tamang proseso ang lahat ng nasasangkot sa illegal drugs.


 

Aniya, ang pagsasampa ng kaso ang unahin para magkaroon ng maayos at masusing imbestigasyon ukol dito.

 

Kamakailan lang nang mag-viral sa social media ang umano’y video Paolo Duterte na iniuugnay sa illegal drug trade.

 

Sumunod dito ang isa pang video na may kinalaman naman sa partner ni Pangulong Duterte na si Honeylet Avenceña at kanilang anak na si Veronica kung saan inuubos ang dirty money sa Hongkong.

 

Mariin naman nilang itinanggi ang paratang kung saan inakusahan ni pulong si Senador Antonio Trillanes na nasa likod ng kumakalat na video.

 

Sinabi rin ni Pangulong Duterte na bukas ang kanilang pamilya sakaling magkaroon ng imbestigasyon hinggil dito.

Facebook Comments