Ilan pang panukala at resolusyon, inihabol na maaprubahan bago matapos ang 18th Congress

Inaprubahan ng Kamara ang ilan pang panukalang batas at resolusyon bago magsara ang third regular session ng 18th Congress.

Ang House Bill 9311 o panukalang palakasin ang “Continuing Professional Development o CPD” ng mga Pinoy professionals ay pinagtibay sa ikatlo at huling pagbasa.

Ini-adopt naman ng Mababang Kapulungan ang Senate Bill 2522 bilang amyenda sa House Bill 6522 na nagdedeklara sa January 16 na “National Baptist Day” na isang special working holiday.


Samantala, kabilang sa ipinasa sa ikalawang pagbasa ay ang House Bill 10854 o panukalang pagtatayo ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP flight standards inspectorate centers sa Visayas at Mindanao at House Bill 10855 o panukalang Philippine Bicycle Act.

Kahapon ay pormal nang nagsara ang huling sesyon ng 18th Congress at sa July 25 na magbabalik para sa unang araw ng 19th Congress o sa unang State of the Nation Address o SONA ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Facebook Comments