Quirino Grandstand, posibleng pagdausan ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

112

Tinitignan ang Quirino Grandstand sa Maynila bilang pagdarausan ng inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni PCOO Secretary Trixie Cruz Angeles na posible itong maging venue pero hindi pa ito pinal.

Paliwanag ni Angeles, wala pa siyang detalye hinggil dito pero nangako itong isasapubliko ang impormasyon kapag ito ay na-finalize na.


Una nang sinabi ni Senator Imee Marcos na isa ang Rizal Park sa mga tinitingnan na pagdarausan ng inagurasyon ni President-elect Marcos Jr.

Sa Hunyo a-30, bababa sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte at papasok naman ang Marcos administration.

Facebook Comments