
Nanawagan na rin si Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. sa pamahalaan na maging handa sa posibleng pagsakop ng China sa Taiwan.
Sa gitna na rin ito ng paghahanda na gagawin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) para sa paglikas ng daang libong Pilipino sa Taiwan sakaling mangyari ang pinangangambahang paglusob ng China sa Taiwan.
Ayon kay Revilla, kung kailangan na i-repatriate ang mga kababayang nasa Taiwan ay ito ang dapat na gawin ng pamahalaan.
Kailangan aniyang tiyakin ang kaligtasan ng bawat Pilipinong naroon sa naturang bansa.
Samantala, pinuri naman ni Senator Sherwin Gatchalian ang proactive na posisyon ng AFP sa paghahanda ng rescue operations para sa mga Pinoy sa Taiwan.
Binigyang-diin ni Gatchalian na mahalagang magkaroon ng well-coordinated contigency plan ang mga ahensiya at may tiyak na protocols para sa evacuation, repatriation at crisis management.