ILAN SA MGA EVACUEES, TINAMAAN NG SAKIT

Dahil sa hindi pa rin humuhupang lebel ng tubig-baha sa ilang bahagi ng rehiyon dos, nananatili pa rin sa mga evacuation centers ang ilan sa mga pamilyang apektado kung saan ilan sa mga ito ay nagkakasakit na.

Ayon sa Department of Health Region 2, mayroong naitala na 228 indibidwal ang tinamaan ng sakit habang sila ay nasa evacuation center.

Karamihan sa mga ito ay mula sa lalawigan ng Cagayan na nakararanas ng ubo at sipon.

Ang iba naman ay nakakaranas ng headache, pananakit ng tiyan, paa at injury sa katawan dahil sa nagdaang bagyong Paeng.

Kaugnay nito, nananawagan ang Kagawaran ng Kalusugan sa mga LGUs na maglaan ng isolation rooms para sa mga evacuees na may karamdaman upang maiwasan ang hawaan ganun din ang pagpapatupad ng health protocols.

Samantala, wala namang naiulat na tinamaan ng leptospirosis sa mga lugar na naapektuhan ng pagbaha.

Facebook Comments