Ilan sa mga nakalayang preso sa ilalim ng GCTA Law, posibleng nakalabas na ng bansa ayon kay Justice Sec. Guevarra

Aminado si Justice Secretary Menardo Guevarra na posibleng nakalabas na ng bansa ang ilan sa mga presong nakalaya ng maaga dahil sa Good Conduct Time Allowance Law.

Ayon kay Guevarra , hindi rin niya inaalis ang posibilidad na ang ilan sa mga nakalayang inmates ay lumipat na ng tirahan o di kaya ay namatay na.

Sa kabila nito, umaasa ang kalihim na tatalima pa rin ang mga nakalayang preso sa labing-limang araw na deadline ng pagsuko na ibinigay ng Pangulong Duterte.


Sinabi pa ni Guevarra na otomatikong ikukunsiderang “fugitives of justice” ang mga presong mabibigong sumuko.

Facebook Comments