Ilan sa mga Palaro para sa Pista ng Lungsod ng Cauayan, Pinaghahandaan na!

55

*Cauayan City, Isabela- *Muling magkakaroon ng 3 on 3 “Beki” Basketball ang Lungsod ng Cauayan para sa nalalapit na Gawagaway-yan festival ngayong buwan ng Marso.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Ginoong Jonathan Medrano, Cauayan City Sports Development Officer sa RMN Cauayan kung saan mas magiging masaya anya ang pagdiriwang ng pista ng Lungsod ng Cauayan dahil sa gaganaping 3 on 3 Beki.

Hinihimok naman nito ang mga kabataan na makiisa sa pista ng Lungsod ng Cauayan dahil marami anya ang mga laro na maaring salihan na inihahanda ng pamahalaang Lungsod ng Cauayan.

Bukod dito, iniimbitahan ngayon ni Ginoong Medrano ang lahat ng mga gustong maglaro ng basketball dito sa Lalawigan ng Isabela na lumahok sa kanilang gaganaping 3 on 3 Isabela League sa March 30-31, 2019 at kinakailangan lamang anya na magparehistro sa tanggapan ng Cauayan City Sports Development Office sa halagang P2,200.00.

Magtatapos anya ang registration bago ang araw ng kompetisyon at kung sino anya ang mananalo ay magrereprisinta para sa National Championship sa Metro Manila.

Samantala, naghahanda na rin ang mga atleta ng Lungsod ng Cauayan na sasabak sa CAVRAA 2019 habang pinaghahandaan na rin Lungsod ang pagho-host nito sa larong Basketball, Gymnastic at Sepak Takraw sa March 9-11, 2019.

Facebook Comments