Ilan sa mga Pinoy na ihahatid ng sweeper flights sa Visayas at Mindanao, aminadong nakaranas ng traumatic depression habang naka-quarantine

Ilan sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Pinoy balikbayan ang nakaranas ng traumatic depression habang naka-quarantine sa Metro Manila, partikular ang mga Pinoy na mahigit isang buwan na sa mga hotel.

Kinumpirma naman ng mga balikbayan na sina Ariel Pacheca na mula Los Angeles, California at pauwi ng Negros Occidental; gayundin si Imee Gayola na mula sa Alabama, USA na sarili nilang pera ang ibinayad sa mahigit isang buwang pananatili sa hotel.

Ilan din sa kasama sa libu-libong sakay ng sweeper flights mula Ninoy Aquino International Airport (NAIA) 2 ang isang pamilya mula sa Timor Leste na pauwi ng Tacloban.


Anila, bukod sa hotel accommodations, nagbayad din sila ng P4,500 para sa kanilang swab test.

Bukas at sa Miyerkules, ipagpapatuloy ang 14 na sweeper flights kada araw para maghatid sa OFWs at mga balikbayan sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments