Ilan sa mga tumatakbong party-list group ngayong 2022 Elections, may kaugnayan sa malalaking negosyo at political clan – Kontra-Daya

Photo Courtesy: Kontra-Daya Twitter Account

Inihayag ng election watchdog na Kontra-Daya na nasa 7 sa kada 10 na tumatakbong party-list group ang na-i-uugnay sa mga malalaking negosyo at political clans.

Ayon sa researchers ng Kontra-Daya, 44 sa mga praty-list group ay kontrolado ng mga political clan at nasa 21 ang may koneksyon sa malalaking negosyo habang 34 naman ang malabong adbokasiya at representasyon; 32 ang may koneksyon sa opisyal ng gobyerno at militar; 26 ang tumatakbong kasalukuyang local official; at 19 ang may pending na kaso sa korte at criminal charges.

Ang pasusuring ito ay ibinase ng naturang poll watchdog sa profile ng 177 party-list groups kung saan idineklara ng mga ito ang kanilang mga adbokasiya, track record sa serbisyo publiko, at background ng kanilang party-list.


Matatandaang noong 2019 party-list elections ay nasa 50% na party-list lamang ang na-i-ugnay sa mga nasabing kategorya kung saan mas mababa ito sa 70% na naitala ngayong Eleksyon 2022.

Dahil dito ay pinagpapaliwanag ng grupong Kontra-Daya ang Commission on Elections (COMELEC) kung bakit patuloy nitong pinapayagan ang mga naturang party-list group na i –hi-jack ang party-list system ng bansa.

Facebook Comments