Halos 500 Ruso, nasawi sa tensyon sa pagitan ng Russia at Ukraine

463

Umabot na sa 498 Russian troops ang nasawi sa nagpapatuloy na tensyon sa pagitan nila ng Ukraine.

Ito ang kauna-unahang death toll tally na inilabas ng Russia matapos ipag-utos ni President Vladimir Putin ang paglusob sa Ukraine.

Ayon kay Russian Defense Ministry Spokesman Igor Konashenkov, nasa 1,597 sundalo naman nila ang nasugatan.


Aniya, walang katotohanan ang mga ulat na nakukulangan na sila ng pwersa.

Tiniyak din niya na ang mga pamilya ng mga napatay ay tumatanggap ng kinakailangang tulong.

Nauna nang sinabi ng Ukraine na mas mataas pa ang bilang ng mga napatay na Ruso.



Facebook Comments