Mananatiling aktibo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ilang mga adbokasiya kahit maging retirado na sa pagseserbisyo sa publiko.
Ayon kay acting Presidential Spokesperson at (Presidential Communications Operations Office) o PCOO Secretary Martin Andanar, hindi naman nila napag-uusapan ng pangulo kung anong preparasyon ang ginagawa nito para sa kaniyang pagiging isang private citizen.
Subalit, kung ibabase aniya ang pagkakilala sa Punong Ehekutibo, tiyak aniyang ipagpapatuloy nito ang kaniyang advocacy for good government, adbokasiya laban sa korapsyon at ilegal na droga.
Nabanggit din ni Pang. Duterte sa kaniyang huling Talk to the People na ipagpapatuloy nito ang pagtulong sa mga pulis at militar na nakasuhan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.