Ilang ahensya ng gobyerno, naglatag ng mga pangako sa ilalim ng Bagong Pilipinas campaign

Naglatag ng mga pangako ang ilang ahensya ng gobyerno sa isinusulong na “Bagong Pilipinas” ng administrasyong Marcos.

Sa Bagong Pilipinas Rally sa Quirino Grandstand, tiniyak ng Department of Transportation (DOTr) na maipatutupad na ang Public Utility Vehicle o PUV Modernization Program sa ilalim ng “Bagong Pilipinas.”

Pipilitin din ng DOTr na tapusin ang mga nakalinyang infrastructure projects ng ahensya.


Sa panig naman ng Department of Agrarian Reform (DAR), ipinangako nito na dadagdagan pa nila ang pamamahagi ng libreng lupain at titulo para sa mga magsasaka.

Science-based na pangangalaga sa kapaligiran naman ang isinusulong ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa Bagong Pilipinas.

Samantala, inilunsad naman ng Presidential Communications Office (PCO) ang Bagong Pilipinas digibox na layong tulungan ang mga Pilipino sa paglipat mula sa analog patungong digital.

Facebook Comments