DOT, ikinatuwa ang visa extension revenue increase na umabot sa 24%

Labis na ikinatuwa ng Department of Tourism (DOT) sa naitala ng Bureau of Immigration (BI) na 23.6% increase sa kanilang revenues mula sa tourist visa extension.

Una nang sinabi ng BI na kaisa sila sa kampanya ng DOT na palakasin ang international travel at turismo sa bansa.

Ang mabilis at mas madaling immigration service ay ang kontribusyon nila sa pamahalaan.


Sa panig ng DOT, susuportahan din nila ang mga programa at kampanya ng BI para lalo pang mapalakas ang industriya ng turismo sa bansa.

Base sa record ng BI, nasa kabuuang ₱1,426,076,164 ang tourist visa extensions revenue sa bansa.

Facebook Comments