Ilang aktibidad sa araw ng Pagadian 2017, kanselado dahil sa banta ng seguridad

Pagadian, Philippines – Kinansela ng lokal na pamahalaan ang ilang aktibidad sa selebrasyon ng Araw ng Pagadian 2017 dahil sa banta ng seguridad sa siyudad.

Kabilang sa kanselado ang Foam Party na isasagawa sana sa darating na June 21, 2017.

Planado na ang gagawing security measures para sa nakatakdang Miss Pagadian Coronation Night.


Gayunpaman, magpapatuloy diumano ang City Wide Clean up at Civic Military Parade.

DZXL558

Facebook Comments