Ilang bahay, tinamaan ng buhawi sa Danao City kagabi

268

Danao City, Cebu – Ilang mga bahay ang nasira sa dalawang barangay sa lungsod ng Danao sa Northern Cebu matapos itong tamaan ng buhawi kagabi.

Ayon kay PO3 Ronald Gomez ng Danao City Police Station, hindi naman umulan kagabi, ngunit biglang bumuhos ang malakas at umiikot na hangin at tumama sa kabahayan sa Barangay Suba at Taytay .


Pitong bahay sa barangay Suba ang nasira, habang lima naman sa barangay Taytay kung saan karamihan dito ay natuklap ang mga bubong dahil sa malakas na hangin .

Wala namang naiulat ang kapolisan na nasugatan sa pangyayari.
DZXL558

Facebook Comments