Cauayan City, Isabela-Nagpositibo sa sakit na African Swine Fever (ASF) ang ilang alagang baboy mula sa limang (5) barangay sa bayan ng Luna, Isabela.
Ayon kay Mayor Jaime Atayde, sisimulan na bukas ang pagsasailalim sa culling o pagpatay sa mga alagang baboy na nakasaad sa panuntunan ng Department of Agriculture (DA) na 1-kilometer radius mula sa lugar na may naitalang positibong kaso ng ASF.
Dagdag pa ng alkalde, posibleng umakyat sa 800 hanggang 900 na alagang baboy ang kabuuang maiculling sa kanilang bayan.
Kinabibilangan ng mga barangay Pulay, San Isidro, Macugay, Centro 2, at Centro 3 habang hinihintay pa hanggang ngayon ang paglabas ng resulta ng Barangay Bustamante at Sto. Domingo.
Tinatayang nasa higit kumulang na 100 magsasaka ang apektado ng nasabing sakit ng baboy.
Nananatili namang apektado ang bentahan ng karne ng baboy sa bayan habang hinihintay naman ang ayuda na magmumula sa DA.