Ilang alkalde sa Metro Manila, naglabas ng opinyon hinggil sa direktiba ni Pangulong Duterte na magpasa ng ordinansang magbabawal sa mga kabataang pumasok sa mall

Nagpahayag ng opinyon ang ilang alkalde sa Metro Manila kasunod ng kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpasa ng ordinansang magbabawal sa mga kabataang edad 12 pababa na makapasok sa mga mall.

Bilang pag-iingat ito sa virus kung saan maituturing na high-risk ang mga nasabing edad dahil hindi pa nababakunahan kontra COVID-19.

Ayon kay Manila City Mayor Isko Moreno, ang mga mall operators dapat ang bigyang direktiba at hindi ang publiko dahil lumalabas lamang ang mga ito sa tahanan.


Hihintayin naman ni San Juan City Mayor Francis Zamora ang desisyon ng technical working group (TWG) na kinabibilangan ng Department of Health, Metro Manila health officials at ilang eksperto bago magpalabas ng kautusan.

Samantala, para naman kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, tutol siya na papasukin sa mga malls ang edad 5 pababa dahil mataas talaga ang posibilidad na mahawa ang mga ito sa COVID-19.

Ngayong araw, inaasahang magpapasa ng rekomendasyon ang TWG sa Metro Manila Council (MMC) ayon ito kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.

Matatandaang lumabas ang mga desisyon matapos magpositibo sa sakit ang 2-years old na batang lalaki tatlong araw matapos magtungo sa mall.

Facebook Comments