MANILA – Naiprokalama na ang ilang kandidato sa pagka-alkalde sa Metro Manila.Kabilang dito si re-electionist Mayor Guia Gomez ng lungsod ng San Juan na mahigpit na nakalaban si Francis Zamora.Naibalik muli sa pamumuno ng mga Binay ang lungsod ng Makati matapos maiprokalama si Representative Abby Binay bilang alkalde ng lungsod.Idineklara ring panalo si Taguig City re-electionist Mayor Lani Cayetano, Menchie Abalos ng Mandaluyong City, Robert Eusebio ng Pasig City, John Rey Tianco ng Navotas City, Rex Gatchalian ng Valenzuela City.Naghihintay nalang rin ng proklamasyon si Lenlen Oreta para sa Malabon City, Herbert Baustista sa Quezon City, imelda aguilar sa Las Piñas City, Teodoro Marcy para sa Marikina, Jaime Fresnedi ng Muntilupa, Edwin Olivarez ng Parañaque City at Antonio Calixto ng Pasay City.Kasabay nito, naiproklama na rin bilang alkalde ng Bacoor, Cavite si Representative Lani Mercano, Tommy Osmeña ng Cebu City at Christina Romualdez bilang alkalde ng Tacloban City.
Ilang Alkalde Sa Metro Manila, Naiproklama Na
Facebook Comments